Emmaus

MBB

Baruc 5

MBB
Baruc

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 5
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

1Jerusalem, hubarin mo na ang damit-panluksa at isuot mo ang walang hanggang kaluwalhatian ng Diyos. 2Ibalabal mo ang kanyang katuwiran at iputong mo sa iyong ulo ang korona ng kaluwalhatian ng Diyos na walang hanggan. 3Itatanyag ka niya sa lahat ng dako. 4Tatawagin kang “Kapayapaang bunga ng katuwiran at Kaluwalhatiang bunga ng pagiging maka-Diyos.” 5Jerusalem, tumayo ka at umakyat sa mataas na burol. Tumingin ka sa silangan at tanawin mo ang iyong mga anak na sa isang tawag lamang ng banal na Diyos ay natitipon mula sa silangan hanggang sa kanluran. Nagagalak sila sapagkat hindi sila kinalimutan ng Diyos. 6Pilit silang inagaw sa iyo at kinaladkad palayo, ngunit ngayo'y ibinabalik sa iyo na sakay sa kaluwalhatiang wari'y nakaupo sa maharlikang trono. 7Iniutos ng Diyos na patagin ang matataas na bundok at walang hanggang burol, at tambakan ang mga libis upang panatag na makabalik ang bayang Israel na puspos ng kaluwalhatian ng Diyos. 8Sa utos niya'y lilitaw ang maraming mababangong punongkahoy upang liliman ang Israel. 9Aakayin sila ng Diyos, at babalik silang masaya na pangangalagaan ng kanyang habag at katuwiran, at liligaya sa liwanag ng kanyang walang hanggang kaluwalhatian.

Trợ lý Emmaus