Emmaus

MBB

Ang Awit ni Solomon 3

MBB
Ang Awit ni Solomon

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 3
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

1Gabi-gabi, sa higaan ang mahal ko'y hinahanap, ngunit hindi masumpungan kahit na sa pangarap. 2Akong ito'y bumabangon, sa lunsod ay naglalakad, ang lansangan sa paligid ay aking ginagalugad; ngunit hindi matagpuan ang sinta kong nililiyag. 3Sa akin ngang paglalakad, nakita ko'y mga bantay, nagmamanman, naglilibot, sa paligid, sa lansangan. Sa kanila ang tanong ko, “Mahal ko ba ay nasaan?” 4Nang aking iwan ang nasabing mga tanod, bigla na lang nakita ang mahal kong iniirog. Siya'y aking hinawakan at hindi na binitiwan, hanggang siya'y madala ko sa bahay kong sinilangan. 5Ipangako ninyo sa akin, mga dalaga sa Jerusalem sa ngalan ng mga usa at hayop na matutulin, ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain.

Ang Ikatlong Awit6Ano itong nakikitang nagmumula sa kaparangan? Wari'y pumapailanlang usok ng mira at kamanyang, na ang samyo ay katulad ng pabangong ubod mahal. 7Dumarating si Solomon, sa trono niya'y nakaupo, ang kasamang mga bantay ay mayroong animnapu, pangunahing mga kawal, matatapang, matipuno. 8Bawat isa ay may tabak at bihasa sa digmaan, nagbabantay kahit gabi, nakahanda sa paglaban. 9Ang magandang trono nitong haring si Solomon, pawang yari sa piling kahoy ng Lebanon. 10Ang lahat ng tukod nito'y nababalutan ng pilak, ang habong naman nito'y may palamuting gintong payak, iyon namang mga kutson, kulay ube ang nakabalot; mga dalaga sa Jerusalem ang humabi at naggayak. 11Mga dilag nitong Zion, masdan ninyo si Haring Solomon, nagputong ng korona niya ay ang kanyang inang mahal sa oras ng pagdiriwang, sa oras ng kanyang kasal.

Trợ lý Emmaus