Emmaus

MBB

Mga Bilang 34

MBB
Mga Bilang

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 34
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

1Sinabi ni Yahweh kay Moises 2ang mga tagubilin para sa bansang Israel, “Pagpasok ninyo sa Canaan, ang lupaing ibinibigay ko sa inyo, ang mga hangganan ng inyong nasasakupan ay ang mga ito: 3Sa timog, ang ilang ng Zin na katapat ng Edom, ang dulo ng Dagat na Patay, 4ang daan paakyat sa Acrabim, ang Zin hanggang sa timog ng Kades-barnea, ang Hazaradar at ang Azmon, 5at ang Batis ng Egipto hanggang sa dagat. 6“Sa kanluran: ang Dagat Mediteraneo. 7“Sa hilaga: ang bahagi ng Dagat Mediteraneo, ang Bundok ng Hor, 8ang Hamat, ang Zedad; 9at ang Zifron hanggang Hazar-enan. 10“Sa silangan: mula sa Hazar-enan hanggang Sefam; 11ang Ribla, gawing silangan ng Ayin, ang baybayin ng Lawa ng Cineret, 12at ang Jordan hanggang sa Dagat na Patay. Ito ang mga hangganan ng inyong lupain.” 13Sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Iyan ang lupaing ibibigay ni Yahweh sa siyam at kalahating lipi ng Israel; ang partihan ay dadaanin sa pamamagitan ng palabunutan. 14Ang mga lipi ni Ruben, ni Gad, at ang kalahati ng lipi ni Manases ay mayroon nang bahagi, at nahati na sa kani-kanilang sambahayan. 15Ito ay nasa silangan ng Jordan, sa tapat ng Jerico.”

Ang mga Namahala sa Paghahati ng Lupain16Sinabi ni Yahweh kay Moises, 17“Ang paring si Eleazar at si Josue na anak ni Nun ang mamamahala sa pagpaparte sa lupain. 18Pumili ka rin ng isang pinuno sa bawat lipi para makatulong nila sa pagpaparte ng lupain.” 19Ito ang mga pinuno na napili ni Yahweh: 29Ang mga kalalakihang ito ang pinamahala ni Yahweh sa paghahati ng lupain ng Canaan na ibinigay niya sa Israel.

Trợ lý Emmaus