Emmaus

MBB

Ezekiel 42

MBB
Ezekiel

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 42
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Ang Dalawang Gusali na Malapit sa Templo1Ako'y isinama ng lalaki sa patyo sa labas at nagtuloy kami sa gusali sa gawing hilaga ng templo at malapit sa dulo nito sa kanluran. 2Ang haba ng gusaling ito ay limampung metro at dalawampu't limang metro naman ang luwang. 3Ang kalahati nito ay nakaharap sa patyong sampung metro ang luwang at ang isa pang kalahati sa patyong nalalatagan ng bato. Ito ay tatlong palapag. 4Sa hilaga ng gusali ay may isang daanang apat at limang metro ang luwang at limampung metro ang haba. 5Ang mga silid sa pangatlong palapag ay maliit kaysa una at pangalawa dahil sa balkon nito. 6Ang mga silid mula sa una hanggang ikatlong palapag ay walang haligi, di tulad ng ibang gusali sa patyo sa labas. 7Ang pader sa ibaba ay may luwang na dalawampu't limang metro, kalahati ng kabuuang haba; sa natitirang dalawampu't limang metro ay may mga silid. Sa itaas na palapag ay nakahanay ang mga kuwarto mula puno hanggang dulo. 9Sa silangang dulo ng gusali sa ilalim ng mga silid na ito ay may mga pinto palabas sa patyo. Sa gawing timog ng templo ay may isa pang gusali, hindi kalayuan sa kanlurang dulo ng templo. 11Sa harap ng mga silid ay may daang katulad at kasukat ng nasa gawing hilaga. 12Sa dulo ng hanay ng mga silid sa gawing timog ay mayroon ding pinto. 13Sinabi sa akin noong lalaki, “Ang mga gusaling ito ay sagrado. Dito kakanin ng mga pari ang ganap na sagradong bahagi ng mga handog. Dito rin ilalagay ang mga pinakasagradong handog tulad ng handog na pagkaing butil, handog para sa kapatawaran ng kasalanan at handog na pambayad sa kasalanan, pagkat itinalaga ang mga silid na iyon. 14Pagkagaling nila sa templo at ibig nilang lumabas sa patyo, huhubarin muna nila roon ang kanilang kasuotan. Iba ang kasuotang gagamitin nila pagharap sa mga tao.” 15Matapos sukatin noong tao ang loob ng templo, lumabas kami sa tarangkahan sa gawing silangan at sinukat niya ang labas. 16Ang gawing silangan ay 250 metro, gayon din ang gawing timog, kanluran, at hilaga.

Ang Sukat ng Paligid ng Templo20Sinukat nga niya ang apat na panig. Napapaligiran ng pader upang mabukod sa karaniwan ang tanging lugar na ito.

Trợ lý Emmaus