MBB
Job 25
MBB
Job
Cựu Ước
Tân Ước
Chương 25
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Dịch sang
Walang Matuwid sa Paningin ng Diyos1Ito naman ang sagot ni Bildad na Suhita: 2“Makapangyarihan ang Diyos dapat siyang igalang; naghaharing mapayapa sa buong sangkalangitan. 3Ang kanyang mga anghel ay hindi mabibilang, lahat ay nasisikatan ng kanyang kaliwanagan. 4Maaari bang maging matuwid ang tao sa paningin ng Diyos? Sa harapan ng Maykapal siya ba'y dalisay nang lubos? 5Para sa Diyos, ang buwan ay walang ningning, at ang mga bituin ay marumi sa kanyang tingin. 6Gaano pa ang tao na isa lamang hamak na uod, may halaga kaya siya sa paningin ng Diyos?”