Emmaus

MBB

Joel 3

MBB
Joel

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 3
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Hahatulan ni Yahweh ang mga Bansa1Sinabi ni Yahweh, “Pagsapit ng araw na iyon, pasasaganain kong muli ang Juda at ang Jerusalem. 2Titipunin ko ang lahat ng bansa at dadalhin sa Libis ng Jehoshafat. Doon ko sila hahatulan ayon sa ginawa nila sa aking bayan. Pinangalat nila sa iba't ibang bansa ang mga Israelita at pinaghati-hatian ang aking lupain. 3Nagpalabunutan sila upang magpasya kung kanino mapupunta ang mga bihag. Ipinagbili nila ang mga bata bilang mga alipin upang ang pinagbilhan ay ibili naman ng alak at ibayad sa mga babaing parausan. 4“Ano ang ginagawa ninyo sa akin, kayong mga taga-Tiro, Sidon at Filistia? Sinusuhulan ba ninyo ako bilang kapalit ng isang bagay? Kung gayon, mabilis ko kayong gagantihan! 5Kinuha ninyo ang aking pilak, ginto at mga kayamanan at dinala ang mga ito sa inyong mga templo. 6Binihag ninyo at inilayo sa kanilang bayan ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem at ipinagbili sa mga Griego. 7Pauuwiin ko na sila mula sa mga dakong pinagtapunan ninyo sa kanila. Ipararanas ko naman sa inyo ang ginawa ninyo sa kanila. 8Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa mga taga-Juda upang ipagbili naman nila sa mga Sabeo.” Iyan ang sinabi ni Yahweh. 9“Ipahayag mo ito sa mga bansa: Humanda kayo sa isang digmaan. Tawagin ninyo ang inyong mga mandirigma, tipunin ninyong lahat ang inyong mga kawal at sumalakay kayo! 10Gawin ninyong tabak ang inyong mga araro at gawing sibat ang mga panggapas. Pati ang mahihina ay kailangang makipaglaban. 11Pumarito kayo agad, lahat ng bansa sa paligid, at magtipon kayo sa libis.” O Yahweh, ipadala mo ang iyong mga hukbo. 12“Kailangang humanda ang mga bansa at magtungo sa Libis ng Jehoshafat. Akong si Yahweh ay uupo roon upang hatulan ang lahat ng bansa sa paligid. 13Ubod sila ng sama; gapasin ninyo silang parang uhay sa panahon ng anihan. Durugin ninyo silang parang ubas sa pisaan hanggang sa umagos ang katas.” 14Libu-libo ang nasa Libis ng Jehoshafat, hindi magtatagal at darating doon ang araw ni Yahweh. 15Hindi na magliliwanag ang araw at ang buwan, at hindi na rin kikislap ang mga bituin.

Pagpapalain ng Diyos ang Kanyang Bayan16Dumadagundong mula sa Bundok ng Zion ang tinig ni Yahweh, mula sa Jerusalem ang kanyang tinig ay naririnig; nanginginig ang langit at lupa. Subalit ipagtatanggol niya ang kanyang bayan. 17“Sa gayon, malalaman mo, O Israel, na ako si Yahweh ay iyong Diyos! Ang aking tahanan ay ang Zion, ang banal na bundok. Magiging banal na lunsod ang Jerusalem; hindi na ito muling masasakop ng mga dayuhan. 18Sa panahong iyon, mapupuno ng ubasan ang mga kabundukan; bakahan ang makikita sa bawat burol, at sasagana sa tubig ang buong Juda! Dadaloy mula sa Templo ni Yahweh ang isang batis, na didilig sa Libis ng Sitim. 19“Magiging disyerto ang Egipto, at magiging tigang ang lupain ng Edom, sapagkat sinalakay nila ang lupain ng Juda at pinatay ang mga mamamayang walang kasalanan. 20Ipaghihiganti ko ang lahat ng nasawi; paparusahan ko ang sinumang nagkasala. Ang Juda at ang Jerusalem ay pananahanan magpakailanman, at ako ay mananatili sa Bundok ng Zion.”

Trợ lý Emmaus