Emmaus

MBB

Jonas 2

MBB
Jonas

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 2
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Ang Panalangin ni Jonas1Habang si Jonas ay nasa tiyan ng isda, nanalangin siya ng ganito: 2“Yahweh, nang ako'y nasa kagipitan, nanalangin ako sa inyo, at sinagot ninyo ako. Mula sa daigdig ng mga patay ako'y tumawag sa inyo, at dininig ninyo ako. 3Itinapon ninyo ako sa kalaliman; sa pusod ng karagatan. Nabalot ako ng malakas na agos ng tubig, at malalaking alon ang sa akin ay tumabon. 4Akala ko'y malayo na ako sa inyo, at hindi ko na kailanman makikitang muli ang banal mong Templo. 5Hinigop ako ng kalaliman, hanggang sa tuluyang lumubog; napuluputan ang aking ulo ng mga halamang dagat. 6Ako'y bumabâ sa paanan ng mga bundok, sa libingan ng mga patay. Ngunit mula roo'y buháy akong iniahon, O Yahweh. 7Nang maramdaman kong malalagot na ang aking hininga, naalala ko kayo, Yahweh. Ako'y nanalangin, at mula sa banal ninyong Templo, ako'y inyong narinig. 8Ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan ay hindi naging tapat sa inyo. 9Ngunit aawit ako ng pasasalamat at sa inyo'y maghahandog; tutuparin ko ang aking mga pangako, O Yahweh na aking Tagapagligtas!” 10Pagkatapos, inutusan ni Yahweh ang isda na iluwa si Jonas sa dalampasigan.

Trợ lý Emmaus