Emmaus

MBB

Jeremias 47

MBB
Jeremias

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 47
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Ang Pahayag ni Yahweh tungkol sa mga Filisteo1Ito ang pahayag na tinanggap ni Jeremias kay Yahweh tungkol sa mga Filisteo bago sinalakay ni Faraon ang Gaza: 2“Tumataas ang tubig sa hilaga, at babaha, ito'y aapaw sa buong lupain; magpapasaklolo ang mga tao, maghihiyawan sa matinding takot. 3Maririnig ang ingay ng yabag ng mga kabayo, ang paghagibis ng mga karwahe! Hindi na maaalala ng mga magulang ang kanilang mga anak; manghihina ang kanilang mga kamay, 4sapagkat dumating na ang araw ng pagkawasak ng mga Filisteo. Ang pinakahuling magtatanggol sa Tiro at Sidon ay babagsak; sapagkat lilipulin ni Yahweh ang mga Filisteo, ang nalabi sa baybayin ng Caftor. 5Parang kinalbo ang Gaza; pinatahimik ang Ashkelon. Hanggang kailan magluluksa ang mga Filisteo? 6Kailan pa magpapahinga ang tabak ni Yahweh? Lumigpit ka na sa kaluban, at doon manahimik! 7Paano naman itong mapapahinga? Hindi pa tapos ang gawaing itinakda sa kanya ni Yahweh laban sa Ashkelon at sa kapatagang malapit sa dagat; doon nakatakda ang gawain nito.”

Trợ lý Emmaus