Emmaus

MBB

Ecclesiastico 47

MBB
Ecclesiastico

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 47
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Si Natan1Pagkatapos, lumitaw naman si Natan upang maging propeta sa panahon ni David.

Si David2Si David ay hinirang sa lahat ng kalalakihan sa Israel, parang taba na inihiwalay sa handog na pang-alay. 3Pinaglaruan lamang niya ang leon na wari'y batang kambing, at ang mga oso na wari'y maliliit na tupa. 4Binatilyo pa lamang siya nang patayin niya ang higante at sagipin sa kahihiyan ang bayang Israel. Pinabagsak niya ang palalong si Goliat, sa pamamagitan ng isang bato na ibinala niya sa kanyang tirador. 5Sapagkat nanawagan siya sa Kataas-taasang Diyos, pinag-ibayo nito ang lakas ng kanyang bisig, at napatay niya ang batikang mandirigma ng kaaway, upang igalang ng mga bansa ang kapangyarihan ng kanyang bayan. 6Kaya't tinawag siyang “ang nagwagi sa sampu-sampung libo,” at noong igawad sa kanya ang korona ng pagkahari, ipinagdiwang siya ng bayan sapagkat hinirang siya ng Panginoon. 7Nilipol niya ang mga kaaway na Filisteo winasak ang kanilang kapangyarihan, hanggang sa panahong ito. 8Nagpasalamat siya sa Diyos, sa lahat niyang nagawa; sa Kataas-taasan at Kabanal-banalan niya iniukol ang karangalan. Kumatha siya ng mga awit na nagmumula sa kaibuturan ng puso, upang ipakilala ang pag-ibig niya sa Maykapal. 9Naglagay siya ng mga mang-aawit at manunugtog, upang umawit sa harap ng dambana sa saliw ng mga alpa. 10Pinaringal niya ang pagdiriwang ng mga pista, at itinakda ang kanilang mga araw sa loob ng isang taon; kaya nga, umalingawngaw sa tahanan ng Panginoon ang papuri sa kanyang banal na pangalan, mula sa pagbubukang-liwayway hanggang sa paglubog ng araw. 11Pinatawad siya ng Panginoon sa kanyang mga kasalanan, at ibinigay sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman. Iginawad sa kanya ang korona ng pagkahari at ipinangako sa kanyang angkan ang trono ng Israel.

Si Solomon12Ang humalili sa kanya ay isang marunong na anak, na dahil sa kanya'y namuhay nang matiwasay. 13Naging mapayapa ang paghahari ni Solomon, sapagkat pinatahimik ng Diyos ang kanyang mga hangganan. Kaya't nakapagtayo siya ng isang marilag na Templo, na titirhan ng Diyos magpakailanman. 14Kay dunong mo, Solomon, nang ikaw ay bata pa! ang karunungan mo'y parang ilog na umaapaw. 15Ang kapangyarihan ng katalinuhan mo'y lumaganap sa buong daigdig at nakilala sa lahat ng dako ang iyong mga salawikain. 16Nabantog ang pangalan mo sa malalayong lupain, at minahal ka ng lahat dahil sa mapayapa mong paghahari. 17Hinangaan sa buong daigdig ang iyong mga salawikain, ang iyong mga awit, kawikaan at paliwanag. 18Sa ngalan ng Panginoong Diyos, na tinatawag ding Diyos ng Israel, nagtipon ka ng napakaraming ginto at pilak na para bang lata o tingga sa kasaganaan. 19Ngunit labis na nabuhos ang loob mo sa mga babae, at binayaan mong alipinin ka ng kanilang alindog. 20Sa gayon, dinungisan mo ang iyong karangalan at nabatikan ang pangalan ng iyong angkan. Dahil sa iyo, naparusahan ang iyong mga anak, at dinulutan ng kapighatian ang buong kaharian. 21Dahil sa iyo, nahati ang kaharian ng Israel; lumitaw ang Efraim, ang bahaging mapanghimagsik. 22Subalit walang katapusan ang pagkahabag ng Diyos at hindi siya sumisira sa kanyang pangako. Hindi niya lilipulin ang lahi ng kanyang hinirang at hindi niya wawakasan ang kanyang angkan. Kaya't pinanatili niya ang lahi ni Israel, nagtira siya ng supling sa angkan ni David.

Si Rehoboam at si Jeroboam23Namatay si Solomon tulad ng kanyang mga ninuno, at si Rehoboam na anak niya ang humalili sa kanya. Ngunit ito'y isang hangal, kapos sa katalinuhan, at dahil sa kanyang palakad, nag-aklas ang bayan. Sa pamumuno ni Jeroboam na anak ni Nebat, nagkasala ang Israel at nagpakasama ang Efraim. 24Dumating sa sukdulan ang kanilang kasamaan, gumawa sila ng lahat ng uri ng kasalanan, hanggang sa bumagsak sa kanila ang parusa ng Diyos at itinapon sila sa ibang lupain.

Trợ lý Emmaus