Emmaus

MBB

Hosea 8

MBB
Hosea

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 8
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Hinatulan ni Yahweh ang Israel1Sinabi ni Yahweh, “Hipan mo ang trumpeta! Dumarating ang isang agila sa bayan ng Diyos, sapagkat sumira sa tipan ang aking bayan, at nilabag nila ang aking kautusan. 2Tumangis ngayon ang Israel sa akin, ‘Tulungan mo kami, sapagkat ikaw ang aming Diyos.’ 3Ngunit tinalikuran na ng Israel ang kabutihan; kaya't hahabulin sila ng kanilang kaaway. 4“Pumili sila ng mga hari nang wala akong pahintulot; naglagay sila ng mga pinuno, ngunit hindi naman ayon sa aking kagustuhan. Ginawa nilang diyus-diyosan ang kanilang pilak at ginto na nagdala sa kanila sa kapahamakan. 5Kinasusuklaman ko ang guyang sinasamba ng mga taga-Samaria. Napopoot ako sa kanila. Hanggang kailan pa sila mananatili sa karumihan? 6Ang diyus-diyosang iyan ay mula sa Israel! Ang guyang iyan ay ginawa ng tao, at iya'y hindi Diyos. Ang guya ng Samaria ay magkakadurug-durog. 7“Naghahasik sila ng hangin, at ipu-ipo ang kanilang aanihin. Ang mga nakatayong trigo'y walang uhay, kaya't walang makukuhang harina. At kung magbunga man iyon, kakainin lamang ng mga dayuhan. 8Nilalamon na ang Israel; naroon na sila sa gitna ng mga bansa bilang kasangkapang walang kabuluhan. 9Sapagkat naparoon sila sa Asiria, gaya ng asnong naggagalang mag-isa. Ang Efraim nama'y umupa ng mga mangingibig. 10Bagama't humingi sila ng tulong sa ibang mga bansa, ngayo'y titipunin ko silang lahat. Hindi magtatagal at sila'y daraing dahil sa pahirap ng hari at ng mga pinuno. 11“Ang mga altar na ginawa sa Efraim, ang siya ring nagparami ng inyong mga sala. 12Sumulat man ako ng sampung libong kautusan, ito'y pagtatawanan lang nila at tatanggihan. 13Nag-aalay sila ng handog sa akin; at ang karneng handog, kanila mang kainin, hindi pa rin ito kalugud-lugod sa akin. Gugunitain niya ngayon ang kanilang kalikuan, at paparusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan; sila'y magbabalik sa lupain ng Egipto. 14Kinalimutan ng Israel ang lumikha sa kanya, at nagtayo siya ng mga palasyo. Ang Juda nama'y nagparami ng mga lunsod na may pader, subalit lalamunin ng apoy ang kanilang mga lunsod at mga palasyo.”

Trợ lý Emmaus