Emmaus

MBB

Isaias 15

MBB
Isaias

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 15
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Wawasakin ng Diyos ang Moab1Ito ang pahayag tungkol sa Moab: Noong gabing gibain ang Ar, gumuho na ang Moab, noong gabing wasakin ang Kir, bumagsak na ang Moab. 2Umahon sa mga templo ang mga taga-Dibon, upang sa mga burol sila ay manangis; iniiyakan ng Moab ang Nebo at Medeba. Bawat isa sa kanila'y nagpakalbo at nag-ahit ng balbas dahil sa pagdadalamhati. 3Lahat ay nagluluksa sa mga lansangan, nanaghoy sila sa mga bubungan ng bahay at sa mga liwasang-bayan. 4Nananaghoy ang Hesbon at ang Eleale, dinig hanggang Jahaz ang kanilang iyakan, nasisindak pati mga mandirigma ng Moab, silang mga kawal, ngayo'y naduduwag. 5Nahahabag ako sa Moab, nagsisitakas ang kanyang mamamayan patungo sa lupain ng Zoar, hanggang Eglat-selisiya. Lumuluha silang umahon sa gulod ng Luhit, humahagulgol sa daang patungo sa Horonaim, dahil sa kapahamakang kanilang sinapit. 6Natuyo ang mga batis ng Nimrim, natuyo ang mga damo, natigang ang mga kaparangan, walang natirang sariwang halaman. 7Kaya itinawid nila sa kabila ng Batis Herabim ang lahat nilang kayamanan at ari-arian. 8Laganap sa buong Moab ang iyakan, abot sa Eglaim ang hagulgulan, dinig na dinig hanggang sa Beer-elim. 9Pumula sa dugo ang mga batis ng Dibon; ngunit may iba pang sakunang inihanda ko para sa kanya: Papatayin ng leon ang lahat ng matitira sa Moab.

Trợ lý Emmaus