Emmaus

MBB

Isaias 25

MBB
Isaias

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 25
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Awit ng Papuri kay Yahweh1O Yahweh, ikaw ang aking Diyos; pupurihin ko at dadakilain ang iyong pangalan; sapagkat kahanga-hanga ang iyong mga ginawa; buong katapatan mong isinagawa ang iyong mga balak mula pa noong una. 2Ang mga lunsod ay iyong iginuho, at winasak ang mga kuta; ibinagsak ninyo ang mga palasyo ng mga dayuhan, at ang mga iyon ay hindi na muling maitatayo. 3Kaya dadakilain ka ng taong malalakas, at matatakot sa iyo ang malulupit na lunsod. 4Ikaw ang tunay na kanlungan ng mahihirap, at mga nangangailangan, matatag na silungan sa panahon ng unos at nakakapasong init. Sa harap mo'y mabibigo ang mararahas, sila'y parang bagyong humahampas sa matibay na pader. 5Ang ingay ng dayuhan ay parang init sa disyerto, ngunit napatahimik mo ang ingay ng mga kaaway; hindi na marinig ang awit ng malulupit, parang init na natakpan ng ulap.

Naghanda ng Handaan ang Diyos6Sa Bundok ng Zion, aanyayahan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang lahat ng bansa para sa isang malaking handaan. Pinakamasasarap na pagkain at alak ang kanyang ipinahanda. 7Sa bundok ding ito'y papawiin niya ang ulap ng kalungkutang naghahari sa lahat ng bansa. 8Lubusan nang pupuksain ng Panginoong Yahweh ang kamatayan, at papahirin ang mga luha sa kanilang mga mata. Aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan. 9Sasabihin ng lahat sa araw na iyon: “Siya ang hinihintay nating Diyos na sa ati'y magliligtas, siya si Yahweh na ating inaasahan. Magalak tayo at magdiwang, sapagkat tayo'y kanyang iniligtas.”

Paparusahan ng Diyos ang Moab10Iingatan ni Yahweh ang Bundok ng Zion, ngunit ang Moab ay tatapakan; gaya ng dayaming tinatapak-tapakan sa tambakan ng basura. 11Sisikapin ng mga taga-Moab na igalaw ang kanilang mga kamay na parang lumalangoy sa tubig. Ngunit sila'y bibiguin ng Diyos hanggang sa sila'y lumubog. 12Ang matataas niyang pader ay iguguho ni Yahweh, at dudurugin hanggang maging alabok.

Trợ lý Emmaus