Emmaus

MBB

Isaias 35

MBB
Isaias

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 35
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Ang Landas ng Kabanalan1Muling sasaya ang ulilang lupain na matagal nang tigang; mamumulaklak ang mga halaman sa disyerto. 2Ang disyerto ay aawit sa tuwa, ito'y muling gaganda tulad ng mga Bundok ng Lebanon at mamumunga nang sagana tulad ng Carmel at Sharon. Mamamasdan ng lahat ang kaluwalhatian at kapangyarihan ni Yahweh. 3Inyong palakasin ang mahinang kamay, at patatagin ang mga tuhod na lupaypay. 4Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang matakot, lakasan mo ang iyong loob! Darating na ang Diyos, at ililigtas ka sa mga kaaway.” 5Ang mga bulag ay makakakita, at makakarinig ang mga bingi. 6Ang mga pilay ay lulundag na parang usa, aawit sa galak ang mga pipi. Mula sa kaparangan ay aagos ang tubig, at dadaloy sa disyerto ang mga batis. 7Ang nakakapasong buhanginan ay magiging isang lawa, sa tigang na lupa ay bubukal ang tubig. Ang dating tirahan ng mga asong-gubat, ay tutubuan ng tambo at talahib. 8Magkakaroon ng isang maluwang na lansangan, na tatawaging Landas ng Kabanalan. Sa landas na ito ay hindi makakaraan, ang mga makasalanan at mga hangal. 9Walang leon o mabangis na hayop na makakapasok doon; ito'y para lamang sa mga tinubos. 10Babalik sa Jerusalem ang mga tinubos ni Yahweh na masiglang umaawit ng pagpupuri. Paghaharian sila ng kaligayahan. Ang lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak magpakailanman.

Trợ lý Emmaus