Emmaus

MBB

Isaias 46

MBB
Isaias

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 46
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

1Sina Bel at Nebo na dati'y sinasamba ng mga taga-Babilonia; ngayo'y isinakay na sa likod ng mga asno at baka, at naging pabigat sa likod ng mga pagod na hayop. 2Hindi nila mailigtas ang kanilang sarili. Sila'y parang mga bihag na itinapon sa malayo. 3“Makinig kayo sa akin, lahi ni Jacob, kayong nalabi sa bayang Israel; kayo'y inalagaan ko mula sa inyong pagsilang. 4Ako ang inyong Diyos. Iingatan ko kayo hanggang sa pumuti ang inyong buhok at kayo'y tumanda. Kayo'y nilikha ko kaya tungkulin ko na kayo'y iligtas at tulungan.” 5Sinabi ni Yahweh, “Saan ninyo ako itutulad? Mayroon bang makakapantay sa akin? 6Binuksan nila ang kanilang sisidlan, ibinuhos ang mga gintong laman, at nagtimbang sila ng mga pilak. Umupa sila ng platero at nagpagawa ng diyus-diyosan; pagkatapos ay niluhuran nila at sinamba ito. 7Pinapasan nila ito para ilibot sa ibang lugar, pagkatapos ay ibabalik sa kanyang lalagyan. Mananatili ito roon at hindi makakakilos. Dalanginan man ito'y hindi makakasagot, at hindi makatutulong sa panahon ng pagsubok. 8“Ito ang inyong tandaan, mga makasalanan, ang bagay na ito ay alalahanin ninyo. 9Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, at maliban sa akin ay wala nang iba. 10Sa simula pa'y itinakda ko na, at aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin. 11May tinawag na akong mandirigma sa silangan, siya ay darating na parang ibong mandaragit, at isasagawa ang lahat kong balak. Ako ang nagsasabi nito, at tiyak na matutupad. 12“Makinig kayo sa akin, mga taong suwail; kayong naniniwalang malayo pa ang tagumpay. 13Malapit na ang araw ng pagtatagumpay, ang pagliligtas ko'y hindi na magtatagal. Ililigtas ko ang Jerusalem, at doon ko bibigyan ng karangalan ang bayang Israel.”

Trợ lý Emmaus