Emmaus

MBB

Karunungan ni Solomon 3

MBB
Karunungan ni Solomon

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 3
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Ang Kapalaran ng mga Matuwid1Ngunit ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos, at di sila makakaranas ng kaunti mang pahirap. 2Sa akala ng mga hangal, ang mga matuwid ay namamatay. Iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan, 3at ang pagpanaw nila ay tuluyang pagkawala, Ngunit ang totoo, sila'y nananahimik na. 4Bagama't sa tingin ng tao sila'y pinarusahan, ngunit ang totoo, sila'y nasa buhay na walang hanggan. 5Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala. Napatunayan ng Diyos na sila'y karapat-dapat. 6Sila'y kanyang sinubok, tulad ng ginto sa tunawan, kaya't sila'y tinanggap niyang parang handog na sinusunog. 7Darating ang Panginoon upang gantimpalaan ang mga matuwid. Magliliwanag silang parang ningas ng nagliliyab na dayami. 8Sila ang mamamayani sa mga bansa sa daigdig, at ang Panginoon ang maghahari sa kanila magpakailanman. 9Ang mga nananalig sa kanya ay makakaunawa sa katotohanan ng kanyang pamamaraan, at ang mga naging tapat sa kanya ay mamumuhay na kasama niya sa kanyang pag-ibig, sapagkat siya'y mabuti at maawain sa kanyang mga hinirang.

Ang Parusa sa Masasama10Ngunit ang mga masama'y paparusahan niya nang ayon sa kanilang masasamang kaisipan, sapagkat sila'y naghimagsik sa Panginoon at niyurakan ang katuwiran. 11Malungkot ang sasapitin ng hindi nagpapahalaga sa Karunungan at pag-aaral. Wala silang maaasahan; ang pagsisikap nila'y walang mararating at wala silang magagawang kabutihan. 12Lalabas na di mapagkakatiwalaan ang kanilang mapapangasawa, at ang kanilang mga anak ay maliligaw ng landas.

Ang Kahalagahan ng Kalinisan13Ang magiging lahi nila ay sasailalim sa sumpa. Ang Kahalagahan ng Kalinisan Mapalad ang babaing hindi nagkaanak kailanman. Kung hindi siya nakipagtalik sa paraang makasalanan; gagantimpalaan siya ng Diyos sa Araw ng Paghuhukom. 14Mapalad ang eunuko na hindi gumawa ng masama at hindi nagkimkim ng hinanakit laban sa Panginoon. Siya ay may tanging gantimpala para sa kanyang katapatan na higit na mahalaga kaysa pagkakaroon ng anak. Bibigyan siya ng tanging lugar sa tahanan ng Panginoon. 15Ang matuwid na gawa ay parang punongkahoy na hitik sa masasarap na bunga. Ang Karunungan ay parang buháy na ugat na maaaring litawan ng sariwang usbong. 16Ngunit ang mga anak ng mga mapangalunya ay walang kinabukasan; di hahaba ang kanilang buhay. 17At kung mabuhay man sila nang matagal ay wala ring kabuluhan sapagkat hindi sila igagalang kahit sila'y matanda na. 18At kung mamatay nang maaga ay wala ring pag-asa, o kaaliwan sa Araw ng Paghuhukom. 19Kasawiang talaga ang wakas ng mga anak sa pagkakasala.

Trợ lý Emmaus