Emmaus

MBB

Mga Awit 101

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 101
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Ang Pangako ng Hari1Ang aking awitin ay ang katapatan at ang katarungan; ako'y umaawit patungkol sa iyo, O Yahweh kong mahal; 2ang aking susunding lagi ay ugaling walang kapintasan, kailan ka kaya darating sa aki't ako'y lalapitan? Malinis ang budhing mamumuhay ako sa aking tahanan, 3sa buhay kong ito ang gawang masama'y di ko tutulutan. Ang sinumang taong gawai'y masama, di ko sasamahan, di ko papansinin kung sinuman siyang ang Diyos ay kalaban. 4Aking sisikapin na ang masunod ko'y ang gawaing tapat; maging sa isipan di ko iisipin ang gawang di tumpak. 5Siyang naninira ng kanyang kapwa'y aking wawasakin; di ko papayagan ang mapagmalaking hambog kung tumingin. 6Ang lahat ng taong nagtatapat sa Diyos, ako ay kaisa, sa aking palasyo ay papayagan ko na doon tumira, kung tunay na tapat ay tutulutan ko na maglingkod sila. 7Sa aking palasyo yaong sinungaling di ko papayagan, sa aking presensya ang mapagkunwari'y di ko tutulutan. 8Lahat ng masama, araw-araw sila'y aking wawasakin; lahat ng masama sa lunsod ni Yahweh ay palalayasin!

Trợ lý Emmaus