Emmaus

MBB

Mga Awit 12

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 12
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos1O Yahweh, kami sana'y iligtas mo! Pagkat wala na ngayong mabuting tao, wala nang taong tapat at totoo. 2Nagsisinungaling silang lahat sa isa't isa, nagkukunwari at nagdadayaan sila. 3Patigilin mo, Yahweh, ang madaldal na dila, at sarhan ang bibig ng hambog magsalita; 4silang laging nagsasabi, “Kami'y magsasalita ng nais namin; at sa gusto nami'y walang makakapigil!” 5“Darating na ako,” sabi ni Yahweh, “Upang saklolohan ang mga inaapi. Sa pinag-uusig na walang magkupkop, hangad nilang tulong ay ipagkakaloob!” 6Ang mga pangako ni Yahweh ay maaasahan, ang katulad nila'y pilak na lantay; tinunaw sa hurnong hinukay, pitong beses na pinadalisay. 7Kami, Yahweh, ay lagi mong ingatan, sa ganitong mga tao ay huwag pabayaan; 8Ang masasamang tao'y nasa lahat ng lugar, ang mga gawang liko ay ikinararangal!

Trợ lý Emmaus