MBB
Mga Awit 124
MBB
Mga Awit
Cựu Ước
Tân Ước
Chương 124
Song song
Hiển thị
Ang Diyos ang Tagapagtanggol ng Kanyang Bayan1Ano kaya't kung si Yahweh ay di pumanig sa atin; O Israel, ano kaya yaong iyong sasabihin? 2“Kung ang Diyos na si Yahweh, sa amin ay di pumanig, noong kami'y salakayin ng kaaway na malupit, 3maaaring kami noon ay nilamon na nang buháy sa silakbo ng damdamin at ng galit na sukdulan. 4Maaaring kami noo'y natangay na niyong agos, naanod sa karagata't tuluy-tuloy na nalunod; 5sa lakas ng agos noo'y nalunod nga kaming lubos. 6Tayo ay magpasalamat, si Yahweh ay papurihan, pagkat tayo'y iniligtas sa malupit na kaaway. 7Ang katulad nati'y ibong sa bitag ay nakatakas; lubos tayong nakalaya nang ang bitag ay mawasak. 8Tulong nating kailangan ay kay Yahweh nagmumula, pagkat itong lupa't langit tanging siya ang lumikha.