Emmaus

MBB

Mga Awit 127

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 127
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Pagpupuri Dahil sa Kabutihan ng Diyos1Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan; maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay, ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay. 2Hindi dapat pakahirap, magpagal sa hanapbuhay; maaga pa kung bumangon, gabing-gabi kung humimlay, pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang kanyang mahal. 3Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak. 4Ang lalaking mga anak sa panahong kabataan, ang katulad ay palaso sa kamay ng isang kawal. 5Mapalad ang isang taong mapalasong tulad niyan, hindi siya malulupig, at malayo sa kahihiyan, kung sila man ng kalaban ay magtagpo sa hukuman.

Trợ lý Emmaus