Emmaus

MBB

Mga Awit 130

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 130
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos1Sa gitna ng paghihirap, kay Yahweh ay dumalangin. 2Panginoon, ako'y dinggin kapag ako'y tumataghoy, dinggin mo ang pagtawag ko't paghingi ng iyong tulong. 3Kung ikaw ay may talaan nitong aming kasalanan, lahat kami ay tatanggap ng hatol mong nakalaan. 4Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot, pinatawad mo nga kami upang sa iyo ay matakot. 5Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako'y may tiwala sa pangako mong pagtulong. 6Yaring aking pananabik, Panginoon, ay higit pa sa bantay na naghihintay ng pagsapit ng umaga. 7Magtiwala ka, Israel, magtiwala ka kay Yahweh, matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang dulot, lagi siyang nakahandang sa sinuman ay tumubos. 8Ililigtas ang Israel, bansang kanyang minamahal, ililigtas niya sila sa kanilang kasalanan.

Trợ lý Emmaus