Emmaus

MBB

Mga Awit 144

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 144
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Pasasalamat sa Diyos sa Pagtatagumpay ng Hari1Purihin si Yahweh na aking kanlungan, sa pakikibaka, ako ay sinanay; inihanda ako, upang makilaban. 2Matibay kong muog at Tagapagligtas, at aking tahanang hindi matitinag; Tagapagligtas kong pinapanaligan, nilulupig niya sakop kong mga bayan. 3O Yahweh, ano nga ba naman ang tao? At pinagtutuunan mo siya ng pansin? 4Katulad ay ulap na tangay ng hangin, napaparam siya na tulad ng lilim. 5Langit mong tahanan ay iyong hubugin, Yahweh, lisanin mo't bumabâ sa amin; mga kabundukan ay iyong yanigin, lalabas ang usok, aming mapapansin. 6Ang maraming kidlat ay iyong suguin, lahat ng kaaway iyong pakalatin; sa pagtakas nila ay iyong tudlain! 7Abutin mo ako at iyong itaas, sa kalalimang tubig ako ay iligtas; ipagsanggalang mo't nang di mapahamak sa mga dayuhang may taglay na lakas, 8ubod sinungaling na walang katulad, kahit ang pangako'y pandarayang lahat. 9O Diyos, may awitin akong bagung-bago, alpa'y tutugtugin at aawit ako. 10Tagumpay ng hari ay iyong kaloob, at iniligtas mo si David mong lingkod. 11Iligtas mo ako sa mga malupit kong kaaway; sa kapangyarihan ng mga banyaga ay ipagsanggalang; sila'y sinungaling, di maaasahan, kahit may pangako at mga sumpaan. 12Nawa ang ating mga kabataan lumaking matatag tulad ng halaman. Ang kadalagaha'y magandang disenyo, kahit saang sulok ng isang palasyo. 13At nawa'y mapuno, mga kamalig natin ng lahat ng uri ng mga pagkain; at ang mga tupa'y magpalaanakin, sampu-sampung libo, ito'y paramihin. 14Mga kawan natin, sana'y dumami rin at huwag malagas ang kanilang supling; sa ating lansangan, sana'y mawala na ang mga panaghoy ng lungkot at dusa! 15Mapalad ang bansang kanyang pinagpala. Mapalad ang bayang si Yahweh'y Diyos na dinadakila!

Trợ lý Emmaus