Emmaus

MBB

Mga Awit 146

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 146
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Pagpupuri sa Diyos na Tagapagligtas1Purihin si Yahweh! Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa! 2Pupurihin siya't aking aawitan; aking aawitan habang ako'y buháy. 3Sa mga pangulo'y huwag kang manghahawak, kahit sa kaninong di makapagligtas; 4kung sila'y mamatay, balik sa alabok, kahit anong plano nila'y natatapos. 5Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos, 6sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan. 7Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag; 8isinasauli, paningin ng bulag; lahat ng inapi ay itinataas, ang mga hinirang niya'y nililingap. 9Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya. 10Walang hanggang Hari, ang Diyos na si Yahweh! Ang Diyos mo, Zion, ay mananatili! Purihin si Yahweh!

Trợ lý Emmaus