Emmaus

MBB

Mga Awit 149

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 149
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Awit ng Pagpupuri1Purihin si Yahweh! O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit, purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya. 2Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha; dahilan sa iyong hari, ikaw Zion ay matuwa. 3Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan; alpa't tambol ay tugtugin, at siya ay papurihan. 4Si Yahweh ay nagagalak sa kanyang mga hirang, sa mga mapagpakumbaba'y tagumpay ang ibibigay. 5Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang, sa kanilang pagdiriwang ay magsaya't mag-awitan. 6Papuri sa ating Diyos, ipahayag nang malakas, hawak-hawak ang espadang dobleng-talim at matalas, 7upang bawat mga bansang nagmalabis ay gantihan, at bigyan ang mamamayan ng parusang kailangan. 8Mga hari't maharlika ay kanilang bibihagin, sa tanikalang bakal, silang lahat ay gagapusin, 9upang sila ay hatulan sang-ayon sa itinakda. Ito ang siyang karangalan ng kanyang pinagpala. Purihin si Yahweh!

Trợ lý Emmaus