Emmaus

MBB

Mga Awit 21

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 21
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Pagpupuri sa Pagtatagumpay1Natutuwa ang hari, Yahweh, dahil sa bigay mong lakas, dahil sa iyong tulong siya ay nagagalak. 2Iyong ibinigay ang kanyang inaasam, ipinagkaloob mo ang kanyang kahilingan. (Selah) 3Nilapitan mo siya't lubos na binasbasan, dalisay na gintong korona, sa ulo niya'y inilagay. 4Humiling siya ng buhay at iyong ibinigay, ng mahabang buhay, na magpakailanman. 5Dahil sa tulong mo, dakila ang kanyang karangalan, dangal at kadakilaan sa kanya'y iyong ibinigay. 6Pagpapala mo'y nasa kanya magpakailanman, ang iyong patnubay, dulot sa kanya'y kagalakan. 7Sa Kataas-taasang Diyos ang hari ay nagtitiwala, dahil sa tapat na pag-ibig ni Yahweh, di siya nababahala. 8Dadakpin ng hari ang lahat niyang mga kaaway, bibihagin niya ang bawat isa na sa kanya'y nasusuklam. 9Sa kanyang pagdating, sa apoy sila'y susunugin, sa galit ni Yahweh, sa apoy sila'y tutupukin. 10Walang matitira sa kanilang lahi, sapagkat sila'y lilipulin ng hari. 11Sa masasamang balak nilang gawin laban sa kanya, walang anumang magtatagumpay sa mga plano nila. 12Sila'y kanyang papanain, sila'y uurong at patatakbuhin. 13Pinupuri ka namin, Yahweh, sa taglay mong kalakasan! Aawit kami at magpupuri dahil sa iyong kapangyarihan.

Trợ lý Emmaus