Emmaus

MBB

Mga Awit 24

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 24
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Ang Dakilang Hari1Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari'y si Yahweh na ating Panginoon. 2Itinayo niya ang daigdig sa ibabaw ng karagatan, inilagay ang pundasyon sa mga tubig sa kalaliman. 3Sa burol ni Yahweh, sinong nararapat umahon? Sa banal niyang Templo, sinong dapat pumaroon? 4Ang taong malinis ang buhay pati ang isipan, hindi sumasamba sa mga diyus-diyosan; at hindi sumusumpa ng kasinungalingan. 5Bibigyan siya ni Yahweh ng pagpapala't kaligtasan, ipahahayag siya ng Diyos na walang kasalanan. 6Ganoon ang mga taong lumalapit sa Diyos, silang dumudulog sa Diyos ni Jacob. (Selah) 7Buksan n'yong mabuti ang mga tarangkahan, buksan ninyo pati mga lumang pintuan, at ang dakilang hari'y papasok at daraan. 8Sino ba itong dakilang hari? Siya si Yahweh na malakas at makapangyarihan, si Yahweh, matagumpay sa labanan. 9Buksan n'yong mabuti ang mga tarangkahan, buksan ninyo pati mga lumang pintuan, at ang dakilang hari'y papasok at daraan. 10Sino ba itong dakilang hari? Ang makapangyarihang si Yahweh, siya ang dakilang hari! (Selah)

Trợ lý Emmaus