Emmaus

MBB

Mga Awit 26

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 26
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin ng Isang Mabuting Tao1Ipahayag mo ako, Yahweh, na walang sala, pagkat ako'y matuwid at sa iyo'y lubos na umaasa. 2Yahweh, ako'y siyasatin mo at subukin, hatulan mo ang iniisip at ang aking hangarin. 3Pag-ibig mong wagas ang aking patnubay, ang iyong katapatan ang lagi kong kaagapay. 4Di ako nakikisama sa walang kuwentang tao, hindi ako nakikiisa sa mga hipokrito. 5Ang nakikisama sa kanila ay aking kinamumuhian, at ang makihalo sa kanila'y aking iniiwasan. 6Kamay ko'y malinis pagkat ako'y walang kasalanan, ako'y lumalakad, Yahweh, sa paligid ng iyong altar. 7Awit ng pasasalamat ay aking inaawit, gawa mong kahanga-hanga, ay aking sinasambit. 8Mahal ko, Yahweh, ang Templo mong tahanan, sapagkat naroroon ang iyong kaluwalhatian. 9Sa parusa ng masasama, huwag mo akong idamay, ilayo rin sa parusa ng mahihilig sa pagpatay— 10mga taong walang magawâ kundi kasamaan, at palaging naghihintay na sila ay suhulan. 11Ngunit para sa akin, gagawin ko ang tama, kaya iligtas mo ako at sa akin ay maawa. 12Ako ay ligtas sa lahat ng kapahamakan; pupurihin ko si Yahweh sa gitna ng kapulungan!

Trợ lý Emmaus