Emmaus

MBB

Mga Awit 41

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 41
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin ng Isang Maysakit1Mapalad ang isang taong tumutulong sa mahirap, si Yahweh ang kakalinga kung siya nama'y mabagabag. 2Buhay niya'y iingatan, si Yahweh lang ang may hawak, sa kamay man ng kaaway, hindi siya masasadlak, at doon sa bayan niya'y ituturing na mapalad. 3Si Yahweh rin ang tutulong kung siya ay magkasakit, ang nanghina niyang lakas ay ganap na ibabalik. 4Ang pahayag ko kay Yahweh, “Tunay akong nagkasala, iyo akong pagalingin, sa akin ay mahabag ka!” 5Yaong mga kaaway ko, ang palaging binabadya, “Kailan ka mamamatay, ganap na mawawala?” 6Yaong mga dumadalaw sa akin ay hindi tapat; ang balitang masasama ang palaging sinasagap, at saan ma'y sinasabi upang ako ay mawasak. 7Ang lahat ng namumuhi'y ang lagi nilang usapan, ako raw ay ubod sama, ang panabi sa bulungan. 8Ang sakit ko, sabi nila, ay wala nang kagamutan, hindi na makakabangon sa banig ng karamdaman. 9Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigan kasalo ko sa tuwina, karamay sa anuman; ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kalaban. 10Sa akin ay mahabag ka, Yahweh, ako'y kaawaan; ibalik mo ang lakas ko't kaaway ko'y babalingan. 11Kung ikaw ay nalulugod, ganito ko malalaman, sa aki'y di magwawagi kahit sino ang kaaway. 12Tulungan mo ako ngayon, yamang ako'y naging tapat. Sa piling mo ay patuloy na ingatan akong ganap. 13Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel! Purihin siya, ngayon at magpakailanman! Amen! Amen!

Trợ lý Emmaus