Emmaus

MBB

Mga Awit 43

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 43
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin ng Isang Dinalang-bihag1Hatulan mong ako'y walang kasalanan, Panginoon, at laban sa masasama, ako'y iyong ipagtanggol; sa masama't sinungaling, ilayo mo ako ngayon! 2Diyos na aking sanggalang, bakit mo ako iniwan? Bakit ako nagdurusa sa pahirap ng kaaway? 3Ang totoo't ang liwanag, buhat sa iyo ay pakamtan, upang sa Zion ay mabalik, sa bundok mong dakong banal sa bundok mong pinagpala, at sa templo mong tirahan. 4Sa dambana mo, O Diyos, ako naman ay dudulog, yamang galak at ligaya ang sa aki'y iyong dulot; sa saliw ng aking alpa'y magpupuri akong lubos, buong lugod na aawit ako sa Diyos, na aking Diyos! 5Bakit ako nababahala, bakit ako nahahapis? Sa Diyos ako ay aasa at sa kanya mananalig. Muli akong magpupuri sa Diyos ko't Tagapagligtas, itong aking pagpupuri sa kanya ko ihahayag!

Trợ lý Emmaus