Emmaus

MBB

Mga Awit 57

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 57
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos1Mahabag ka, O aking Diyos, ikaw sana ay mahabag; sa iyo ako lumalapit upang ako ay maligtas, pagkat aking nasumpungan sa lilim ng iyong pakpak, ligtas ako sa panganib hanggang ito ay lumipas. 2Yaong aking tinatawag, ang Diyos na Kataas-taasan, ang Diyos na nagbibigay ng lahat kong kailangan. 3Magmula sa kalangitan, diringgin ang aking hibik, ang lahat ng kaaway ko'y lubos niyang magagapi; ang tapat niyang pagmamahal at matatag na pag-ibig, ihahayag ito ng Diyos, sa aki'y di ikakait. (Selah) 4Kasama ko'y mga leon, kapiling ko sa paghimlay, mabangis na mga hayop na sisila sa sinuman; parang sibat at palaso yaong ngipin nilang taglay, matulis ang mga dila na animo'y mga sundang. 5Purihin ka nawa, O Diyos, sa rurok ng kalangitan; dito naman sa daigdig ay ang iyong karangalan! 6Nadarama ng sarili, lagi na lang pagdurusa; hinuhuli ng kaaway; masilo ako, nais nila, ngunit sila ang nahulog sa bitag na inihanda. (Selah) 7Panatag na ako, O Diyos, ako ngayo'y matatag, purihin ka at awitan, ng awiting masisigla. 8Gumising ka, kaluluwa, gumising ka't purihin siya! Gumising ka't tugtugin mo yaong lumang lira't alpa; tumugtog ka at hintayin ang liwayway ng umaga. 9Sa gitna ng mga bansa, kita'y pasasalamatan; Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng iyong bayan. 10Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan, nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan. 11Purihin ka nawa, O Diyos, sa rurok ng kalangitan; dito naman sa daigdig ay ang iyong karangalan!

Trợ lý Emmaus