Emmaus

MBB

Mga Awit 64

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 64
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin Upang Ingatan ng Diyos1O Diyos, ang hibik ko, ang aking dalangin sana ay pakinggan, sa pagkaligalig dahil sa kaaway, huwag akong hayaan; 2ipagtanggol ako sa mga pakana't lihim na sabwatan, niyong mga pangkat na ang binabalak pawang kasamaan. 3Ang kanilang dila'y katulad ng tabak na napakatalas, tulad ng palasong iniaasinta kung sila'y mangusap. 4Sa kublihan nila, sila'y nag-aabang sa mabuting tao, at walang awa nilang tinutudla sa pagdaan nito. 5Sa gawang masama ay nagsasabwatan, nag-uusap sila, kung saan dadalhin ang patibong nilang di dapat makita. 6At ang sasabihin pagkatapos nilang makapagbalangkas, “Ayos na ayos na itong kasamaang ating binabalak.” Damdamin ng tao at ang isip niya'y mahiwagang ganap! 7Subalit ang Diyos na may palaso ri'y di magpapabaya, walang abug-abog sila'y tutudlai't susugatang bigla. 8Dahilan sa sila'y masamang nangungusap, kaya wawasakin, at ang makakita sa gayong sinapit sila'y sisisihin; 9yaong nakakita'y sisidlan ng takot, ipamamalita ang gawa ni Yahweh at isasaisip ang kanyang ginawa. 10Sa gawa ni Yahweh, ang mga matuwid pawang magagalak, magpupuri sila at sa piling niya ay mapapanatag.

Trợ lý Emmaus
Mga Awit 64 · Emmaus