MBB
Mga Awit 67
MBB
Mga Awit
Cựu Ước
Tân Ước
Chương 67
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Dịch sang
Awit ng Pagpapasalamat1O Diyos, pagpalain kami't kahabagan, kami Panginoo'y iyong kaawaan, (Selah) 2upang sa daigdig mabatid ng lahat ang iyong kalooban at ang pagliligtas. 3Purihin ka nawa ng lahat ng tao, purihin ka nila sa lahat ng dako. 4Nawa'y purihin ka ng mga nilikha, pagkat matuwid kang humatol sa madla; ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa. (Selah) 5Purihin ka nawa ng lahat ng tao, purihin ka nila sa lahat ng dako. 6Nag-aning mabuti ang mga lupain, pinagpala kami ni Yahweh, Diyos namin! 7Magpatuloy nawa iyong pagpapala upang igalang ka ng lahat ng bansa.