Emmaus

MBB

Mga Awit 79

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 79
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin Upang Iligtas ang Buong Bansa1O Diyos, pinasok ng Hentil ang lupang pangako, hayo't iyong masdan! Winasak ang lunsod, ang banal mong templo ay nilapastangan; 2ang mga katawan ng mga lingkod mo ay ginawang pagkain ng mga ibon, ang kanilang laman, sa mga halimaw ay ipinalamon. 3Dugo ng bayan mo'y ibinubo nila, sa buong palibot nitong Jerusalem, katulad ay tubig; sa dami ng patay ay walang maglibing. 4Ang karatig-bansang doo'y nakasaksi, kami'y kinutya at nagtatawa sila, lahat sa palibot ay humahalakhak sa gayong nakita. 5Iyang iyong galit sa amin, O Yahweh, hanggang kailan ba kaya matatapos? Di na ba titigil ang pagkagalit mong sa ami'y tutupok? 6Doon mo ibaling ang matinding galit sa maraming bansang ayaw kang kilanlin, mga kahariang ang banal mong ngala'y ayaw na tawagin. 7Masdan ang ginawa nila sa bayan mo, ang mga lingkod mo ay pinatay nila, pati ang tahanan nila ay winasak, walang itinira. 8Huwag mong parusahan kaming mga anak, sa pagkakasala ng aming magulang, ikaw ay mahabag sa mga lingkod mong pag-asa'y pumanaw. 9Mahabag ka sana, kami ay tulungan, Diyos na aming Tagapagligtas, dahil sa ngalan mo, kaming nagkasala'y patawaring ganap; at sa karangalan ng iyong pangalan, kami ay iligtas. 10Bakit magtatanong itong mga bansa ng katagang ito: “Ang Diyos mo'y nasaan?” Ipaghiganti mo ang mga lingkod mong kanilang pinatay, ang pagpaparusa'y iyong ipakita sa iyong mga hirang. 11Iyong kahabagan ang mga bilanggong kanilang hinuli, dinggin mo ang daing, sa taglay mong lakas, iligtas mo silang takdang papatayin. 12Iyong parusahan yaong mga bansang sa iyo, O Yahweh, lumalapastangan, parusahan sila ng pitong ibayo sa gawang pag-uyam. 13Kaya nga, O Yahweh, kaming iyong lingkod, parang mga tupa sa iyong pastulan, magpupuring lagi't magpapasalamat sa iyong pangalan!

Trợ lý Emmaus
Mga Awit 79 · Emmaus