MBB
Mga Awit 82
MBB
Mga Awit
Cựu Ước
Tân Ước
Chương 82
Song song
Hiển thị
Diyos ang Kataas-taasang Hari1Ang Diyos ang namumuno ng pulong sa kalangitan, sa pulong ng mga diyos, ganito ang kapasyahan: 2“Dapat ninyong itigil na, paghatol na hindi tama, tumigil na ng paghatol na panig sa masasama. (Selah) 3Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa. 4Ang marapat na tulunga'y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas! 5“Anong pagkamangmang ninyo, wala kayong nalalaman! Sa gitna ng kadilima'y doon kayo nananahan, sa ibabaw ng daigdig ay wala nang katarungan. 6Ang sabi ko, kayo'y diyos, anak ng Kataas-taasan, 7ngunit tulad nitong tao, lahat kayo'y mamamatay; katulad din ng prinsipe, papanaw ang inyong buhay.” 8O Diyos, ikaw ay magbangon at daigdig pagharian, ang lahat ng mga bansa ay hawak ng iyong kamay!