Emmaus

MBB

Mga Awit 93

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 93
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Ang Diyos ang Hari1Si Yahweh ay naghahari, na ang suot sa katawan ay damit na maharlika at puspos ng kalakasan. Matatag na itinayo ang sandigan ng daigdig, kahit ano ang gawin pa'y hindi ito mayayanig. 2Ang trono mo ay matatag simula pa noong una, bago pa ang kasaysayan, ika'y likas na naro'n na. 3Tumataas nga, O Yahweh, ang tubig ng mga ilog, lumalakas ang lagaslas habang sila'y umaagos; maingay na mga alon katulad ay pagkalabog. 4Parang tubig na marami, ang buhos ay parang kulog, malakas pa kaysa alon ng dagat na mayro'ng unos; higit pa sa mga ito si Yahweh na dakilang Diyos. 5Walang hanggan, O Yahweh, ang lahat ng tuntunin mo, sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo.

Trợ lý Emmaus