Emmaus

MBB

Job 27

MBB
Job

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 27
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Ipinaliwanag ni Job ang Bahagi ng Masama1Muling tumugon si Job, 2“Isinusumpa ko sa Diyos na sa aki'y nagkait ng katarungan, sa Makapangyarihang Diyos na nagdulot sa akin ng kapaitan. 3Habang mayroon akong hininga na Diyos ang nagbibigay, ang labi ko'y walang bibigkasing kasinungalingan, ang aking sasabihin ay pawang katotohanan. 5Hindi ko matatanggap na kayo ang may katuwiran, igigiit hanggang kamatayan na ako'y walang kasalanan. 6Hindi ko isusuko ang aking katuwiran, budhi ko'y malinis, di ako sinusumbatan. 7“Parusahan nawa ang lahat ng sa aki'y lumalapastangan; ituring nawa silang lahat na makasalanan. 8Ang makasalana'y mayroon pa bang pag-asa, kapag binawi na ng Diyos ang buhay na taglay niya? 9Pagsapit ng kaguluhan, papakinggan kaya ng Diyos ang kanyang panawagan? 10Ito kaya ay mananalig sa Makapangyarihan at sa lahat ng araw, Diyos ay tatawagan. 11“Ang kalooban ng Diyos, sa inyo'y sasabihin at aking ihahayag ang nais niyang gawin. 12Ang lahat ng ito'y inyo namang nalalaman, subalit ang salita ninyo'y pawang walang kabuluhan.” 13Ang sagot ni Zofar: “Sa masama ay ganito ang inihanda ng Diyos, sa mararahas ay ito ang parusang ibubuhos: 14Magkakaanak sila ng marami ngunit mamamatay sa digmaan, ang kanilang mga anak, gutom ang mararanasan. 15Ang matitirang buháy, sa salot mamamatay, ngunit kanilang mga biyuda, hindi sila tatangisan. 16Kahit siya'y makaipon ng malaking kayamanan o kaya'y magkaroon ng maraming kasuotan, 17isa man sa mga iyon ay di niya papakinabangan, mapupunta sa matuwid ang lahat niyang kayamanan. 18Sapot lamang ng gagamba ang katulad ng kanyang bahay, parang kubo lamang ng mga aliping bantay. 19Matutulog ang mayaman ngunit hanggang doon na lang; pagmulat ng kanyang mata, ari-arian niya ay wala na. 20Mga kasawian ay parang bahang darating, tatangayin ng ipu-ipo pagsapit ng dilim. 21Matinding hanging silangan, sa kanya ay tatangay, tuluyan siyang mawawala at di na makikita. 22Patuloy siyang babayuhin nang walang pakundangan, ang kapangyarihan nito'y sisikapin niyang matakasan. 23Sa bandang huli, hangin ay magagalak pagkat itong masama, tuluyan ng bumagsak.

Trợ lý Emmaus