Emmaus

MBB

Job 28

MBB
Job

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 28
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Papuri sa Karunungan1“May lugar kung saan ang pilak ay mahuhukay, at may pook kung saan ang ginto'y dinadalisay. 2Nahuhukay ng tao ang bakal mula sa lupa, at nilulusaw ang tanso mula sa batong nakuha. 3Sinasaliksik ng tao ang pinakamalalim na kadiliman, ginagalugad pati ang kailaliman upang humukay ng batong yaman. 4Humuhukay nang malalim sa ilang at kabundukan na hindi pa naaabot ng sinumang manlalakbay, nagmimina sila roon sa gitna ng kalungkutan. 5Sa lupa tumutubo ang halamang kinakain, ngunit parang tinupok ng apoy ang nasa ilalim. 6Nasa mga bato ang mga safiro, nasa alabok naman ang gintong puro. 7Ang daang iyo'y di abot-tanaw ng lawin, kahit mga buwitre'y hindi ito napapansin. 8Hindi pa ito nadadaanan ng hayop na mababangis, hindi pa nagagawi rito ang leong mabagsik. 9“Hinuhukay ng mga tao ang batong matitigas, pati paanan ng mga bundok ay kanilang tinitibag. 10Sa malalaking bato'y gumagawa sila ng lagusan, mamahaling hiyas ay kanilang natutuklasan. 11Pinagmumulan ng ilog ay kanilang tinutunton, at dinadala sa liwanag anumang nakatago roon. 12Ngunit saan kaya matatagpuan itong karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? 13“Hindi alam ng tao ang daan tungo sa karunungan; wala iyon sa lupain ng mga nabubuhay. 14Ang sabi ng kalaliman, ‘Wala sa akin ang kaalaman.’ Ganito rin ang sinasabi ng buong karagatan. 15Hindi ito mabibili kahit ginto ang ibayad, hindi ito makukuha palitan man ng pilak. 16Ang pinakamahal na ginto at alahas, sa halaga ng karununga'y hindi maitutumbas. 17Mahigit pa kaysa ginto ang timbang ng karunungan, mas mahal kaysa sa alahas o sa gintong kayamanan. 18Mas mahalaga ang karunungan kaysa magandang koral, higit itong mamahalin kaysa perlas o sa kristal. 19Kahit na ang topaz, dito'y di maipapantay, at hindi rin mahihigitan kahit ng gintong dalisay. 20“Kung gayo'y saan nga nagmumula ang karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? 21Hindi ito nakikita ng sinumang nilalang, mga ibong lumilipad, hindi rin ito natatanaw. 22Kahit ang Pagkawasak at ang Kamatayan ay nagsasabing ang narinig nila'y mga sabi-sabi lamang. 23“Ngunit tanging ang Diyos lang ang siyang nakakaalam kung saan naroroon ang tunay na karunungan. 24Pagkat nakikita niya ang bawat sulok ng daigdig; natatanaw niyang lahat ang nasa ilalim ng langit. 25Ang hangin ay kanyang binigyan ng bigat, ang karagatan ay itinakda niya ang sukat. 26Ipinasya niya kung saan papatak ang ulan, at pati ang kidlat, binigyan niya ng daraanan. 27Dito niya nakita at sinubok ang karunungan, kanyang itinatag at binigyang kahalagahan. 28“At sinabi niya sa tao, ‘Ang pagsunod at paggalang sa Panginoon ay karunungan; at ang paglayo sa kasamaan ay siyang tunay na kaalaman.’ ”

Trợ lý Emmaus