Emmaus

MBB

Job 29

MBB
Job

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 29
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Sinariwa ni Job ang Maliligaya Niyang Araw1Muling nagsalita si Job, 2“Kung maibabalik ko lang ang mga unang araw noong ang Diyos sa akin ay palagi pang nagbabantay; 3Nang ang liwanag niya sa akin ay gumagabay, sa paglakad ko sa dilim, siya ang aking tanglaw. 4Noon, ako ay sagana, maluwag ang pamumuhay, kaibigang matalik ang Diyos na buháy, at sa buong pamilya ko, siya ang patnubay. 5Noon ay malapit ang Makapangyarihang Diyos sa akin, at ang mga anak ko'y lagi sa aking piling. 6Masagana ang gatas mula sa aking kawan, olibong nagbibigay ng langis, tumutubo kahit sa batuhan. 7Kapag pumupunta ako noon sa mga kapulungan, at nauupong kasama ng mga pinuno ng bayan, 8kapag ako'y natanaw, mga kabataa'y nagbibigay-daan, mga matatanda nama'y tumatayo at nagbibigay-galang. 9Ihihinto ng pinuno, kanilang usapan, at mga maharlika'y tatahimik na lamang. 11“Kapag ako'y nakita at kanilang narinig, sila'y sumasang-ayon at sa aki'y pumapanig. 12Sapagkat tinulungan ko ang dukha sa kanilang pangangailangan, dinamayan ko ang mga ulilang wala nang mapuntahan. 13Pinupuri ako ng mga dumanas ng kasawian, natulungang mga biyuda sa tuwa'y nag-aawitan. 14At ang lagi kong adhikain, katarungan at katuwiran ay siyang pairalin. 15Para sa mga bulag, ako'y nagsilbing mata; at sa mga pilay, ako ang kanilang paa. 16Nagsilbi akong ama ng mga mahihirap, kahit di ko kilala ay aking nililingap. 17Ang lakas ng masasama, aking sinisira ang kanilang mga bihag, sinikap kong mapalaya. 18“Umaasa ako noong hahaba ang aking buhay, at sa aking tahanan payapang mamamatay. 19Tulad ko noo'y punongkahoy na sa tubig ay sagana, at ang mga sanga, sa hamog laging basa. 20Pinupuri ako ng halos lahat, at di nauubos ang aking lakas. 21Sa mga payo ko sila'y nananabik, sa sinasabi ko sila'y nakikinig. 22Ang sinabi ko'y di na dapat ulitin, pagkat sa isip agad itong naitatanim. 23Sa mga sasabihin ko'y lagi silang naghihintay, salita ko'y parang ulan sa panahon ng tag-araw. 24At ang aking mga ngiti sa kanila'y pampalakas-loob, sa saya ng aking mukha silang lahat ay nalulugod. 25Para akong hari na sa hukbo'y nag-uutos, at nagbibigay ng aliw kapag sila'y nalulungkot.

Trợ lý Emmaus