Emmaus

MBB

Mga Awit 110

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 110
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Si Yahweh at ang Piniling Hari1Sinabi ni Yahweh, sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.” 2Magmula sa dakong Zion, ay palalawakin niya ang lupaing iyong sakop; “At lahat ng kaaway mo'y sakupin at pagharian,” gayon ang kanyang utos. 3Sasamahan ka ng madla, kung dumating ang panahong lusubin ka ng kaaway; magmula sa mga bundok, lalabas at sasamahan ka ng mga kabataan. 4Si Yahweh ay may pangako at ang kanyang sinabi, hinding-hindi magbabago: “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.” 5Si Yahweh ay naroroong nakaupo sa kanan mo, at kapag siya ay nagalit, ang lahat ng mga hari ay tiyak na malulupig. 6Siya'y hukom na hahatol sa lahat ng mga bansa; sa labanang walang puknat, marami ang malalagas! Sapagkat ang mga hari'y lulupigin niyang lahat. 7Sa batis sa lansangan, itong hari ay iinom, at sisigla ang katawan; sa lakas na tataglayin, matatamo ang tagumpay.

Trợ lý Emmaus