Emmaus

MBB

Mga Awit 111

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 111
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Awit ng Pagpupuri sa Kadakilaan ni Yahweh1Purihin si Yahweh! Buong puso siyang pasasalamatan, aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang. 2Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila, mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala; 3lahat niyang gawa'y dakila at wagas, katuwiran niya'y hindi magwawakas. 4Hindi maaalis sa ating gunita, si Yahweh ay mabuti't mahabaging lubha. 5Ang sa kanya'y gumagalang pagkain ay sagana; pangako ni Yahweh ay di nasisira. 6Ipinadama niya sa mga hinirang, ang kapangyarihan niyang tinataglay, nang ibigay niya lupa ng dayuhan. 7Ang gawa ng Diyos, matuwid at tapat, at maaasahan lahat niyang batas. 8Ito ay lalagi at di magwawakas, pagkat ang saliga'y totoo't matapat. 9Kaligtasa'y dulot sa mga hinirang, may ipinangakong walang hanggang tipan; Banal at dakila ang kanyang pangalan! 10Ang pagsunod at paggalang kay Yahweh'y simula ng karunungan. Taong masunurin, pupurihing lubos. Purihin ang Diyos magpakailanman!

Trợ lý Emmaus