Emmaus

MBB

Mga Awit 112

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 112
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Mapalad ang Mabuting Tao1Purihin si Yahweh! Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang, at taos-pusong sumusunod sa kanyang kautusan. 2Ang kanyang lipi'y magiging dakila, pati mga angkan ay may pagpapala. 3Magiging sagana sa kanyang tahanan, pagpapala niya'y walang katapusan. 4Ang taong matuwid, may bait at habag, kahit sa madilim taglay ay liwanag. 5Ang mapagpautang nagiging mapalad, kung sa hanapbuhay siya'y laging tapat. 6Hindi mabibigo ang taong matuwid, di malilimutan kahit isang saglit. 7Masamang balita'y hindi nagigitla, matatag ang puso't kay Yahweh'y tiwala. 8Wala siyang takot, hindi nangangamba, alam na babagsak ang kaaway niya. 9Nagbibigay sa mga nangangailangan, pagiging mat'wid niya'y walang hanggan, buong karangalang siya'y itataas. 10Kung makita ito ng mga masama, lumalayas silang mabagsik ang mukha; pagkat ang pag-asa'y lubos nang nawala.

Trợ lý Emmaus