Emmaus

MBB

Mga Awit 113

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 113
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Awit ng Pagpupuri kay Yahweh1Purihin si Yahweh! Dapat na magpuri ang mga alipin, ang ngalan ni Yahweh ay dapat purihin. 2Ang kanyang pangalan ay papupurihan, magmula ngayo't magpakailanman, 3buhat sa silangan, hanggang sa kanluran, ang ngalan ni Yahweh, dapat papurihan. 4Siya'y naghahari sa lahat ng bansa, lampas pa sa langit ang pagkadakila. 5Sino bang katulad ng Diyos na si Yahweh, na sa kalangitan doon nakaluklok? 6Buhat sa itaas siya'y tumutunghay, ang lupa at langit kanyang minamasdan. 7Mula kapanglawa'y itong mahihirap, kanyang itinataas, kanyang nililingap. 8Sa mga prinsipe ay isinasama, sa mga prinsipe nitong bayan niya. 9Ang babaing baog pinagpapala niya, binibigyang anak para lumigaya. Purihin si Yahweh!

Trợ lý Emmaus