Emmaus

MBB

Mga Awit 114

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 114
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Awit ng Paggunita sa Exodo1Ang bayang Israel sa bansang Egipto'y kanyang inilabas, nang ang lahing ito sa bansang dayuhan lahat ay lumikas. 2Magmula na noon ang lupaing Juda'y naging dakong banal, at bansang Israel ginawa ng Diyos na sariling bayan. 3Ang Dagat ng Tambo, nang ito'y makita, nagbigay ng daan, magkabilang panig ng Ilog ng Jordan ay tumigil naman. 4Maging mga bundok, katulad ng tupa, ay pawang nanginig, pati mga burol, nanginig na parang tupang maliliit. 5Ano ang nangyari, at ikaw, O dagat, nagbigay ng daan? Ikaw, Ilog Jordan, bakit ang tubig mo ay tumigil naman? 6Kayong mga bundok, bakit parang kambing na nagsisilundag? Kayong mga burol, maliit na tupa'y inyo namang katulad? 7Ikaw, O daigdig, sa harap ni Yahweh, ngayon ay manginig, dapat kang matakot sapagkat darating ang Diyos ni Jacob, 8sa malaking bato nagpabukal siya ng saganang tubig, at magmula roon ang tubig na ito ay nagiging batis.

Trợ lý Emmaus