Emmaus

MBB

Mga Awit 120

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 120
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos1Nang ako'y manganib, kay Yahweh dumaing, dininig niya ako sa aking dalangin. 2Sa taong di tapat, gawai'y manlinlang, Yahweh, iligtas mo't ako'y isanggalang. 3Sa kamay ng Diyos, kayong sinungaling, ano kayang parusa ang inyong kakamtin? 4Tutudlain kayo ng panang matalim, at idadarang pa sa may bagang uling. 5Ako ay kawawa; ako ay dayuhan, sa Meshec at Kedar, ako ay namuhay. 6Matagal-tagal ding ako'y nakapisan ng hindi mahilig sa kapayapaan. 7Kung kapayapaan ang binabanggit ko, pakikipagbaka ang laman ng ulo.

Trợ lý Emmaus