MBB
Mga Awit 121
MBB
Mga Awit
Cựu Ước
Tân Ước
Chương 121
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Dịch sang
Si Yahweh ang Ating Tagapagtanggol1Do'n sa mga burol, ako'y napatingin— sasaklolo sa akin, saan manggagaling? 2Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa. 3Di niya ako hahayaang mabuwal, siya'y di matutulog, ako'y babantayan. 4Ang tagapagtanggol ng bayang Israel, hindi natutulog at palaging gising! 5Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat, laging nasa piling, upang magsanggalang. 6Di ka maaano sa init ng araw, kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan. 7Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat, sa mga panganib, ika'y ililigtas. 8Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.