Emmaus

MBB

Mga Awit 122

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 122
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Awit ng Parangal para sa Jerusalem1Ako ay nagalak nang sabihin nila: “Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh.” 2Sama-sama kami matapos sapitin, ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem. 3Itong Jerusalem ay napakaganda, matatag at maayos na lunsod siya. 4Dito umaahon ang lahat ng angkan, lipi ni Israel upang manambahan, ang hangad, si Yahweh ay pasalamatan, pagkat ito'y utos na dapat gampanan. 5Doon din naroon ang mga hukuman at trono ng haring hahatol sa tanan. 6Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin: “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain. 7Pumayapa nawa ang banal na bayan, at ang palasyo mo ay maging tiwasay.” 8Alang-alang sa kasama at pamilya ko, sa iyo Jerusalem, ang sabi ko'y ito: “Ang kapayapaa'y laging sumaiyo.” 9Dahilan sa bahay ni Yahweh, ating Diyos, ang aking dalangi'y umunlad kang lubos.

Trợ lý Emmaus