Emmaus

MBB

Mga Awit 137

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 137
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panaghoy ng mga Israelitang Dinalang-bihag1Sa pampang ng mga ilog nitong bansang Babilonia, kami'y nakaupong tumatangis, sa tuwing Zion, aming naaalala. 2Sa sanga ng mga kahoy, sa tabi ng ilog nila, isinabit namin doon, yaong dala naming lira. 3Sa amin ay iniutos ng sa amin ay lumupig, na aliwin namin sila, ng matamis naming tinig, tungkol sa Zion, yaong paksa, niyong nais nilang awit. 4Ang awit para kay Yahweh, pa'no namin aawitin, samantalang kami'y bihag sa lupaing hindi amin? 5Ayaw ko nang ang lira ko'y hawakan pa at tugtugin, kung ang bunga sa pagtugtog, limutin ang Jerusalem; 6di na ako aawit pa, kung ang aking sasapitin sa isip ko't alaala, ika'y ganap na limutin, kung ang kaligayahan ko ay sa iba ko hahanapin. 7Yahweh, sana'y gunitain, ginawa ng Edomita, nang ang bayang Jerusalem ay malupig at makuha; sumisigaw silang lahat na ang wikang binabadya: “Iguho na nang lubusan, sa lupa ay ibagsak na!” 8Tandaan mo, Babilonia, ika'y tiyak wawasakin, dahilan sa ubod sama ang ginawa mo sa amin; yaong taong magwawasak, mapalad na ituturing 9kung ang inyong mga sanggol kunin niya at durugin!

Trợ lý Emmaus