Emmaus

MBB

Mga Awit 14

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 14
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Ang Kasamaan ng Tao1“Wala namang Diyos!” ang sabi ng hangal sa kanyang sarili. Silang lahat ay masasama, kakila-kilabot ang kanilang mga gawa; walang gumagawa ng mabuti, wala nga, wala! 2Nagmamasid si Yahweh mula sa itaas, sangkatauha'y kanyang sinisiyasat; tinitingnan kung may taong marunong pa, na sa kanya'y gumagalang at sumasamba. 3Silang lahat ay naligaw ng landas, at naging masasama silang lahat; walang gumagawa sa kanila ng tama, wala ni isa man, wala nga, wala! 4Ang tanong ni Yahweh: “Di ba nila alam, itong masasama, lahat na ba'y mangmang? Itong aking baya'y pinagnanakawan at akong si Yahweh ay ayaw dalanginan!” 5Darating ang araw na sila'y matatakot, sapagkat kakampi ng Diyos ang mga sa kanya'y sumusunod. 6Hadlangan man nila ang balak ng mga taong hamak, ngunit si Yahweh ang sa kanila'y mag-iingat. 7Ang aking hinihiling nawa ay dumating, mula sa Zion, ang kaligtasan ng Israel. Labis na magagalak ang bayang Israel, kapag muli silang pasaganain ni Yahweh.

Trợ lý Emmaus