MBB
Mga Awit 15
MBB
Mga Awit
Cựu Ước
Tân Ước
Chương 15
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Dịch sang
Ang Hinihiling ng Diyos1O Yahweh, sino kayang makakapasok sa iyong Templo? Sinong karapat-dapat sumamba sa iyong burol na sagrado? 2Ang taong masunurin sa iyo sa lahat ng bagay, at laging gumagawa ayon sa katuwiran, mga salita'y bukal sa loob at pawang katotohanan, 3at ang kapwa'y hindi niya sisiraan. Di siya gumagawa ng masama sa kanyang kaibigan, tungkol sa kapwa'y di nagkakalat ng kasinungalingan. 4Ang itinakwil ng Diyos ay di niya pinapakisamahan, mga may takot kay Yahweh, kanyang pinaparangalan. Sa pangakong binitiwan, siya'y laging tapat, anuman ang mangyari, salita'y tinutupad. 5Hindi nagpapatubo sa kanyang mga pinautang, di nasusuhulan para ipahamak ang walang kasalanan. Ang ganitong tao'y di matitinag kailanman.