Emmaus

MBB

Mga Awit 28

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 28
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos1Tagapagtanggol kong Yahweh, ako'y nananawagan, sana'y iyong pakinggan itong aking karaingan. Kung katugunan ay hindi mo ibibigay, para na rin akong nasa daigdig ng mga patay. 2Pakinggan mo sana ang paghingi ko ng saklolo, kapag itinataas ang kamay ko sa iyong banal na Templo. 3Huwag mo akong ibilang sa mga masasama, na pawang kalikuan ang mga ginagawa; kung magsalita'y parang mga kaibigan, ngunit sa puso'y may pagkamuhing taglay. 4Parusahan mo sila sa kanilang ginagawa, pagkat mga gawa nila'y pawang masasama. Parusa sa kanila'y iyong igawad, ibigay sa kanila ang hatol na dapat. 5Mga gawa ni Yahweh ay di nila pinapansin, mabubuti niyang gawa'y ayaw intindihin; kaya't sila'y kanyang pupuksain, at hindi na muling pababangunin. 6Si Yahweh ay dapat purihin! Dininig niya ang aking mga daing. 7Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya. 8Iniingatan ni Yahweh ang kanyang sambayanan; siya ang kanlungan ng kanyang haring hinirang. 9Iligtas mo, Yahweh, ang iyong bayan, ang mga sa iyo, ay iyong basbasan. Alagaan mo sila magpakailanman, tulad ng pastol sa kanyang kawan.

Trợ lý Emmaus