Emmaus

MBB

Mga Awit 29

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 29
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Ang Tinig ni Yahweh sa Gitna ng Unos1Purihin ninyo si Yahweh, mga nilikha sa kalangitan, kilalanin ang kanyang lakas at kanyang kaluwalhatian. 2Purihin ang kanyang maluwalhating pangalan, sambahin si Yahweh sa banal na kaayusan. 3Tinig ni Yahweh'y naririnig sa ibabaw ng dagat, ang dakilang Diyos ay nagpapakidlat, umaalingawngaw at naririnig ng lahat. 4Tinig ni Yahweh'y makapangyarihan, at punung-puno ng kadakilaan. 5Maging mga punong sedar ng Lebanon, sa tinig ni Yahweh, mawawasak ang mga iyon. 6Parang guyang pinalulundag niya ang mga bundok ng Lebanon, parang torong pinalulukso niya ang Bundok Hermon. 7Dahil sa tinig ni Yahweh, kidlat ay gumuguhit. 8Kapag siya'y nagsalita, disyerto'y nayayanig; inuuga niya pati ang ilang ng Kades. 9Sa tinig ni Yahweh, mga usa'y napapaanak, at nakakalbo pati ang mga gubat, lahat ng nasa Templo'y sumisigaw, “Ang Diyos ay papurihan!” 10Si Yahweh'y naghahari sa mga kalaliman, nakaupo sa trono, bilang hari kailanman. 11Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kanyang bayan, at pinagpapala sila ng mapayapang buhay.

Trợ lý Emmaus